Jesus!
You
kill me and raise me
whenever you will.
http://asifweclaire.tumblr.com
17.9.09
7.9.09
MOVED!
Again. Sorry. This layout is so ugly. :P
COLOR CODED CATS
--------
Di pala move, hehe. Dito na lang scratch paper. :P
COLOR CODED CATS
--------
Di pala move, hehe. Dito na lang scratch paper. :P
27.5.09
Chickenjoy


Naaalala mo pa ba nung nabubuhay ka tapos di ka pa naman nakakatikim ng Chickenjoy? Tapos yung ordinaryong fried chicken masaya ka na. Akala mo the mega ever ever best na ang fried chicken? Na bonus na lang ang may ketchup. Na tuyo yung laman pero okey olrayt lang kasi masarap yung balat? Tapos, biglang dadalhin ka ng magulang mo sa Jollibee. Di mo naman hiningi yun. Masaya ka naman sa lungga mo sa bahay kung saan may sarili kang mundo ng mga evil seductive Barbies at mag-asawang Robot at Barbie at mga kotseng tagapagligtas ng mundo kasama ni little figurine Sailor Moon along with Green Ranger na pinipindot yung belt niya tas magiging si Tommy siya kung gusto mo. O kaya yung kukuha kayo ng kapatid mo ng tali at lalambitin kayo sa hagdanan kasi nagma-mountain climbing kayo. O kaya gugupit kayo ng isang mahabang strip of paper mula sa coupon bond tas kakabit niyo sa stick tas dun kayo sa terrace niyo, papaliparin niyo ung mahabang strip of paper na talagang may real hope na aabot yung dulo dun sa clouds? Habang hawak mo yung stick kaya feeling mo konektado na kayo ng clouds?
One day aalisin ka dun e. Isang hapon lang. O isang umaga. Masaya daw sa pupuntahan niyo. Mayroong playground. At masaya nga naman. Nakakilala ka ng ilang bata kasi yun pa yung mga panahong kahit sino kakausapin mo at magiging kaibigan mo kahit isang hapon lang o isang umaga. At di kayo iiyak kung maghihiwalay na kayo ng landas kasi sa isip mo marami pang katulad niya na bata na makikita mo at magiging kaibigan mo at masaya yun. Kasi di naman talaga siya yung gusto mong kalaro kundi lahat ng bata sa mundo.
Tapos ayun, ayun, ayun, papakainin ka ng chickenjoy ng nanay mo. O tatay mo. Depende kung magkasama sila o hiwalay na. O kung nag-aaway sila ng mga panahon yun pero di mo mapapansin kasi wow, wow, wow. Wow. Ano itong nasa dila mo? Ano itong malutong? Ano itong makapal, basa, at hindi gumagasgas sa lalamunan mo? Wow, wow. Wow. Tapos parang kung di ka na naniniwala sa Diyos, maniniwala ka sa mga pagkakataong iyon. Pero naniniwala ka pa noon sa Diyos e kaya nagpapasalamat ka na lang kasi lahat ng problema mo nawala. Pero wala ka pang problema nun e. Masaya ang lahat. Masaya. Masayang-masaya.
Pero ikaw, ikaw ngayon ay lost. At wala na ngayong kwenta ang ordinaryong fried chicken, kahit pa may ketchup o Mang Tomas o sweet chili sauce na di mo pa noon kilala. Kasi gusto mo yung Chickenjoy. Lalo na yung leg part kasi pag bata ka, leg part lang ang alam mo. Pero buwakanang shet, di mo dinedeserve ito. Di mo dinedeserve na mabaliw ng ganito. Hindi mo naman hiningi yung Chickenjoy e. Ayaw mo pa nga nung manok nung nag-order kayo kasi sabi mo spaghetti! Spaghetti! Spaghetti ang gusto mo! Pero di daw, kailangan mo daw magkanin nung araw na yun. Kaya ayun, pinakilala nila sayo. Ikaw naman tong tanga, sinubo-subo mo. Ayan tuloy, ayan tuloy. Natikman mo na. Di ka na makakabalik. Buhay mo na ang Chickenjoy. Ayaw mo na ng ibang manok. Kahit ibang pagkain. Chickenjoy lang ang hanap mo.
Ngayong matanda ka na at may pera, pupunta kang Jollibee at bibili ng Chickenjoy. Kapag may berdey party, sasabihin mo Chicken--este Jollibee tayo mga friends. Kapag inaway ka ng prof mong mayroong hairstyle ni Mayor sa Powerpuff at manyakis pala siya, okey lang ang lahat, mayroon kang pera, mayroon kang Chickenjoy. Chickenjoy is love. Chickenjoy is heart. Yun lang ang hanap mo. Kapag bibili ka sa Divisoria at tatanungin nila kung ano ang hanap mo? Di ka magbibiro ng sagot ukol sa pag-ibig at kapayapaan. Sasabihin mo Chickenjoy. Dahil mismong ang Chickenjoy ang pag-ibig at kapayapaan.
Hanggang one day isang araw, sabi ng Papa mo, o Mama mo. O kung sinumang sumusustento sa buhay mo na galing sa Amerika, Indonesia, o Saudi. Anak, kailangan nating magtipid, di tayo makakapunta sa lingguhang Jollibee ha? Huwag ka munang kumain sa fastfood ha. Eto o, pishball. Masarap yan.
Pero ang narinig mo lang ay di ka na makakain ng chickenjoy, joy, joy, joy. Kasi may matching echo.
Pagkatapos ng lahat, di ka na makakain ng Chickenjoy.
Ano na ang gagawin mo? Ano?
26.3.09
On That Note
We used to sing
Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
Until we ran out of breath
Giggle
Like high schoolers
Or lightly, sometimes accidentally, hardly, hit each other's arms
With we're-being-foolish twinkle in our eyes
Fall back on the couch
Or bed
Or table
Or behind that door, remember that door
Adjacent to that mirror
I keep trying not to look at
Not to look into
But you keep making me?
I saw five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
In that mirror
Reflect in my eyes
And how I wish it never fades
For I can't hear you right now
You're voice drums into a steady hum, a steady whisper
Finally an echo
Until I hear that click
I know
The phone is put down
The line is cut
The phone is dead
And I am left with a song
I can only sing
Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
More
Until
I can't hold onto the reflection in my eyes
Until
I ran out of breath
Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
Until we ran out of breath
Giggle
Like high schoolers
Or lightly, sometimes accidentally, hardly, hit each other's arms
With we're-being-foolish twinkle in our eyes
Fall back on the couch
Or bed
Or table
Or behind that door, remember that door
Adjacent to that mirror
I keep trying not to look at
Not to look into
But you keep making me?
I saw five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
In that mirror
Reflect in my eyes
And how I wish it never fades
For I can't hear you right now
You're voice drums into a steady hum, a steady whisper
Finally an echo
Until I hear that click
I know
The phone is put down
The line is cut
The phone is dead
And I am left with a song
I can only sing
Five hundred twenty-five thousand six hundred minutes
More
Until
I can't hold onto the reflection in my eyes
Until
I ran out of breath
8.3.09
Post-Partum Post 1
Ako: Ayoko talaga ng poetry reading. Kaya nga ako nagsusulat para hindi gumamit ng aktwal na voice chords e.
Ikaw: Oo. Ang alam ko 'pag poetry, parang reflection nga siya, 'di ba? Parang sarili mo lang. Private.
Ako: A, iba kasi ang sina-subscribe nilang konsepto ng tula. Alam mo 'yun. 'Yung shine-share. Para sa lahat. Community. Communal.
Ikaw: Parang CR lang pala.
tags
burgis,
starving artist
Subscribe to:
Posts (Atom)


